Monday, 6 July 2020

CALIT ES, Kaisa sa Pagdiriwang ng NUTRITION MONTH

       Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong buwan ng Hulyo, masiglang nakikiisa ang Paaralang Elementarya ng Calit sa pangunguna ng kanilang napakasipag na ulong-guro na si Ginoong Geneshar Castro.

       Upang ipakita ang kanilang pagkakaisa at aktibong partisipasyon, hinikayat ni G. Castro ang mga guro na sama-sama at sabay-sabay silang mag-post sa kani-kanilang Facebook Accounts ng mga Nutrition Posters para mas pag-ibayuhin ang kampanya para sa tamang nutrisyon: "Batang Pinoy SANA TALL...Iwas stunting, SAMA ALL."

       Kanilang isinagawa ang mga hakbang na ito upang mapukaw ang kamalayan ng mga magulang, mga mag-aaral at bawat mamamayan sa pagpapahalaga ng tamang nutrisyon. Nais din nilang ipabatid sa publiko ang mga mahahalagang paalala at impormasyon tungkol sa mga angkop na pagkain para sa mga kinakailangang bitamina at nutrisyon upang ang mga BATANG PILIPNO ay lumaking MALUSOG, MASIGLA, MATALINO at MATANGKAD.

       Sa pagsulong ng isang masigla at malusog na pamayanan, lalo na para sa kabataan, tunay na nagkakaisa ang mga mamamayan ng Calit at kaguruan ng Calit Elementary School.

                                                                                                                            /rkr/


No comments:

Post a comment

Blog Archive