Sunday, 26 July 2020

Calit ES Nagdiwang ng Buwan ng Nutrisyon


       Masayang ipinagdiwang ng Paaralang Elementarya ng Calit ang Buwan ng Nutrisyon nito lamang ika-22 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ang kaguruan ng Calit ES ay malugod na nakibahagi sa naturang pagdiriwang. 

       Iba't ibang aktibidades ang naganap sa pagdiriwang gaya ng Backyard Gardening, Container Gardening at Pagbati Challenge.
      Minabuti umano ng mga napiling kalahok na maitampok ang kanilang Backyard at Container Gardening. Kaya naman noong ika-16 ng Hulyo taong kasalukuyan, binisita ni G. Geneshar C. Castro at School Team Evaluators ang gulayan sa bakuran ng bawat kalahok sa mga nasabing patimpalak.
        Unang binisita ang Backyard Gardening ni Gng. Anna Marie S. Bacani na siya ring nakakuha ng unang gantimpala. Nasungkit naman ni Gng. Evelyn B. Torrero ang ikalawang puwesto. Nakamit rin ni Gng. Evelyn R. Fabia ang unang gantimpala sa Container Gardening habang ikalawang puwesto naman si Gng. Leoncia A. De Vera.
        Samantala, malugod na tinanggap ng kaguruan ng Calit ES ang hamon at nakiisa sa tinatawag na Pagbati Challenge na inilunsad ng SDO1 Pangasinan sa paggunita ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon. Layunin nito na pukawin ang kamalayan ng mga magulang, mga mag-aaral at mga mamamayan sa tamang nutrisyon at mas mapagbuti ang kanilang kalusugan.


                                                                                                  /rkr/

No comments:

Post a comment

Blog Archive